BOO: LinkedIn, nang-censor ng mga user posts tungkol sa Tiananmen Square Massacre!

Share it with your friends Like

Thanks! Share it with your friends!

Close

BOO: LinkedIn, nang-censor ng mga user posts tungkol sa Tiananmen Square Massacre!

Para sa mga nakakaalala, ang imaheng ito ay hinding-hindi natin malilimutan.

At para sa mga nakakaalala pero walang ginawa, ang kinabukasan nila ay napaka-pamilyar.

Sponsored by LinkedIn, ang kaisa-isang major foreign social media platform na pinapayagan sa China — dahil sine-censor nila ang mga posts ng mga users tungkol sa Tiananmen Square Massacre.

Para hindi makita ng mga Chinese users ang impormasyon na ipinagbabawal ng censorship laws sa China, sine-censor ng linkedIn ang mga posts sa labas ng Mainland China. Ang mga LinkedIn users sa Hong Kong, UK, at iba pang lugar na binanggit ang 1989 Tinanmen Square massacre, noong isang linggo, ay binura ng social networking site.

Kahit na sinabi ng LinkedIn na ang kanilang pag-censor ng mga posts sa labas ng China, na binanggit ang Tiananmen Square, ay ‘accidental,’ ito ay isang senyales ng lakas ng impluwensiya ng China, na kaya na ngayong i-censor ang content ng Internet, sa labas ng sarili niyang teritoryo.

Gaya ng ‘World War Z’ zombie apocalypse sa pelikula ni Brad Pitt noong isang taon…ang outbreak location ay binago, imbes na Shanghai ito ay naging Moscow; at ang bansang nag-invade sa US sa pelikulang ‘Red Dawn,’ at sa video game na ‘Homefront,’ ay naging North Korea imbes na China.

Kung inaakala ng mga kompanya na kapag sinundan nila ang mg autos ng Beijing, ay magkakaroon sila ng advantage sa isa sa pinakamalaking market sa buong mundo…pero hindi ito ang style ng Communist Party pagdating sa negosyo.Ang pag-censor ng posts tungkol sa Tiananmen Square ay hindi nakakatulong sa Beijing, na makakatulong rin sa kompanya; ito ay nakakasama sa kabataan, na walang nalalaman tungkol sa kanilang pinanggalingan, at maapektuhan pa nang mas malubha ang kinabukasan nilang lahat.

For news that’s fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Comments

Write a comment

*